11/16/12

Simpleng 'Sorry'



Walang mawawala sa isang tao kung matututo siyang lunukin ang kanyang pride at humingi ng tawad sa kanyang pagkakamaling nagawa.


Naging maugong na naman ang isyu ng 'pkagiarism' ni Sen. Tito Sotto matapos umanong magbigay ng pahayag ang anak ni Sen. Robert Kennedy na dapat siyang humingi ng tawad sa pangongopya niya ng speech mula sa kanyang ama.


Pilit namang nanindigan si Sen. Sottto na wala siyang kasalanan at hindi dapat humingi ng paumanhin kahit kanino man. "For what?" na kibit balikat niya pang sagot sa press nung siya ay tanungin ukol sa pagudyok ni Kerry Kennedy (anak ni Sen. Kennedy) na humingi siya ng patawad.


Nakakalungkot na isipin na isang kagalang- galang na tao ay hindi man lang kayang humingi ng isang simpleng 'sorry' sa kanyang nagawa. Sa kahit anupamang anggulo, ang kanyang ginawa ay isang uri ng plagiarism.


Ang pangongopya ay pagnanakaw. At ang pagnanakaw ay hindi gawain ng isang marangal na tao. Marapat na humingi ng tawad si Sotto.


Ano pa ba ang kanyang pinangangalagaan? Ang kanyang dignidad? Kung ito man, wala na siyang natitirang ganito.


Napatunayan na siya ay nag plagiarize ngunit ano ang kanyang ginawa? Hinamak pa ang mga taong ng akusa sa kanya. Kesyo isang hamak na blogger lang naman daw si Sarah Pope.


Ang kanyang kaduwagan sa pagharap sa kanyang pagkakamali ay kahihiyan para sa ating bansa. Isang mataas na pulitiko, napatunayang nagkasala pero patuloy na tinatanggi ang maling nagawa.


Kung tinanggap niya lang ang kanyang kamalian ay tiyak na tapos na itong isyu na ito. Lunukin na sana niya ang kanyang ubod ng taas na pride at humingi ng sorry.


(Manalo pa kaya ang senador na ito sa susunod na eleksyon?)



No comments:

Post a Comment