“Itaas ang paggalang sa buhay” ang sigaw ng mga sektor na sumasalungat sa kasalukuyang ipinapasang batas sa kongreso, ang house bill 4244 o mas kilala sa tawag na Reproductive health bill. Sa pangunguna ni Albay representative Edcel Lagman inilatha ang RH bill na nakasentro sa pagbibigay kaalaman sa mga Pilipino ukol sa tamang pagplaplano ng pamilya. Ilang bersiyon na nito ang naipasa sa kongreso ngunit iisang layunin lang ipinapahayag ang pababain ang bilang ng populasyon ng bansa.
Maraming Pilipino ang walang alam ukol ditto at higit na mangmang sa posibleng epekto nito sa ating moralidad bilang isang Pilipino. Marapat na tayo ay makialam! Pro ka ba o Anti?
Isang malaking hindi ang sagot ko rito sapagkat marami pang kinakaharap ng problema an gating bansa na mas nangangailang aksyunan at hindi RH bill o pagkontrol sa populasyon ang makakasagot rito.
Kung ang bill ay maipapatupad para nang hinayaan natin na turuan ng pamahalaan ang mga kabataan tungkol sa paggamit ng condoms, pills at mga paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Dahil rito parang binuksan na natin ang kanilang mga kaisipan na ang pakikipagtalik ay isang bagay na dapat subukan. Magbibigay rin ito sa kanila ng dahilan upang hindi na galangin ang pakikipagtalik sa tamang babae o lalaki. Ang karapatan ng magulang na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa pakikipagtalik ay maapektuhan dahil sa mga isasagawang programa ng pamahalaan. Hindi mo na maasahan na ang anak mong 15 taong gulang ay birhen pa.
Ang pakikipagtalik ay banal at dapat respetuhin ngunit dahil sa bill na ito nanaisin ng mga Pilipino ang pakikipagtalik dahil sa paniniwalang 100% safe ang condoms. Tataas rin ang bilang ng kaso ng HIV AIDS dahil sa walang kasiguraduhan ng paggamit ng contraseptives gaya ng nangyari sa Thailand at mga western countries na nagpatupad ng parehas na bill. Ang krimen gaya ng rape ay tataas maging ang prostitusyon.
Ako’y naniniwala na ang mga Pilipino ay matatalino at likas na konsebatibo ngunit kung ang RH bill ay maipapatupad, mawawala ang ating kultura.Kulturang nagpapahalaga sa buhay,pamilya at relihiyon. Hindi nangangarap ang mga Pilipino na maging tulad ng America na kung saan ang mga tao ay liberal at ang pagpapalaglag ng anak ay legal. Kung ang bill ay maipatutupad ito ang magtutulak sa Pilipinas na maging isang imoral na bansa.