11/9/11

Divorce Bill: Aprub ba kay Juan?




Noong nakaraang ika-1 ng Hunyo taong 2011, sa pangunguna ni Gabriela Women’s party-list Rep. Luzviminda Ilagan inihayag sa publiko ang nilalaman ng House bill 1799 o mas kilala sa tawag na Divorce bill. Hindi narin ito bago dahil ilang beses na ring ipinasa ito sa senado ng 13th at 14th congress, at ngayon ng 15th congress ngunit hindi naipatupad. Nilalayon ng nasabing bill na gawing legal ang Divorce sa bansa na siyang magpapadali sa paghihiwalay ng isang mag-asawa.

Sari-saring mga reaksyon ang natamo nito mula sa mga Pilipino,Karamihan ay pumabor at may mga ilan lang na kumontra. Katunayan, ayon sa ginawang surbey ng SWS noong ika-2 ng hunyo, 50 bahagdan ng mga Pilipino ay pumabor, 34% ay hindi, at 16% ay wala paring desisyon ukol sa nasabing issue.

 Malaki ang impluwensiya ng simbahan upang mangilan-ngilan sa mga Pilipino ay hindi umayon sa nasabing bill. Ayon sa simbahan, kung ang bill ay maipatutupad mawawala na ang tunay na kahulugan ng kasal sa mga Pilipino. Ang pag-aasawa raw ay dapat pinag-iisipang maigi sapagkat sa oras na ikaw ay ikasal na hindi na maaring magbago pa ang isip mo.

“Ang bill na ito ay hindi naglalayon na wasakin ang tunay na kahulugan ng pamilya, imbes nais pa nitong palakasin ang pagsasama ng isang mag-asawa.” Ang sagot ni Ilagan sa simbahan.

Sa aking palagay ay nararapat nan gang ipasa ang bill sapagkat ito ang magiging sagot upang mapadali ang pakikipaghiwalay ng mga minaltratong kakababaihan sa kanilang asawa. Mas magiging maganda ang buhay ng bata kung ito ay mapapalaki sa isang maayos na pamilya na maari naming buuin ng isang magulang.

Maari pang malagay sa peligro ang bata kung ito ay mananatili sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay hindi nagkakasundo.

Kung ating ikukumpara sa annulment, higit na mas maliit ang halagang kakailanganin sa pakikipaghiwalay kung divorce ang gagawin. Magiging abot kamay na rin sa mga mahihirap ang pakikipaghiwalay, hindi tulad sa annulment na tanging mayayaman lang ang nakakagawa.

Ang bill ay para sa mga pamilyang Pilipino, wala itong nais na padamihin ang kaso ng paghihiwalay na sumisira ng isang pamilya. Nais lang nito na pagandahin ang kinabukasan ng mga batang nasa isang magulong pamilya. Nawa’y magbukas ang isipan ng mga taong tumutuligsa dito sapagkat ito ay para sa kabutihan ng bawat batang Pilipino.
                                                                                                                                                                 

No comments:

Post a Comment