Pagkatapos ng mahabang proseso sa kongreso,
ang Pilipinas ay nagpapatupad na ng K-12 kurikulum. Ang nasabing kurikulum ay
naglalayong dagdagan ng dalawa pang taon ang pag-aaral sa basic education. Nais
ng Deped na sa pamamagitan ng sistemang ito ay bubuti na ang kalidad ng
edukasyon sa bansa.
Kilala rin sa tawag na K-6-4-2 ang
kurikulum na ang ibig sabihin ay K (isang taon sakindergarten), 6 (anim na taon
sa elementarya), 4 (apat na taon sa junior highschool) at 2 (dalawang taon sa
senior highschool).Kasalukuyan nang ipinapatupad ang unang bahagi nito sa mga
batang mag-aaral, sila ay sapilitang papasok muna sa Kindergarten sa loob ng
isang taon bago makatungtong ng Grade 1. Ang ikalawang bahagi nito na
pagdaragdag ng dalawang taon ay maipatutupad sa taong sy. 2016-2017. Ang mga
papasok na freshmen sa kaparehas na taon ay ang mga magiging unang benepisyaryo
ng libreng senior-high school education.
Ayon sa mga pag-aaral na ginawa sa bansa,
ang pagkakaroon ng dalawang pang taon ay makadaragdag sa kita ng pamahalaan.
Kinakailangan ng nasabing kurikulum ng estimang P150 bilyon para sa pagpapatayo
ng 152,599 silid aralan, pagbili ng 95.6 milyong libro at 13.2 milyong upuan at
pagdaragdag ng 103,599 mga guro.
Oo, napapanahon na ang K-12 sa ating bansa.
Maihahanda pa nang husto ang mga mag-aaral sa dagdag na dalawang taon sa
pagpasok sa kolehiyo. Malaki rin ang maitutulong nito sa pagbilis ng pag-unlad
n gating ekonomiya. May mga pag-aaral na nagpakita na ang pagkakaroon ng
karagdagang taon ay magpapataas ng ating GDP (Growth Domestic Product) 2%.
Ang K-12 ay magbibigay ng dalawang pang
taon upang bigyan ang mag-aaral ng mga ideya kung ano ang kanilang maaring
kuning kurso , ng sa gayon sila ay maging handa sa kanilang tatahakin. Magiging
inpormado sila sa ating ekonomiya na makatutulong sa pagunlad n gating bansa.
Ang Pilipinas na lang ang bansa sa asya na
hindi nagapatupad ng nasabing kurikulum. Ito ang dahilan ng hindi patas na
pagtingin sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kalimitan silang
pinapa-retake ng liscensure exams upang mapatunayang sila ay kwalipikado sa
trabaho.
Kung titignan nating mabuti, ang K-12 ay
hindi na man talaga karagdagang gastos at imbes ay nakatutulong upang mabawasan
ang gastusin ng mga magulang. Sa kasalukuyan ang mga magulang ay gumagaston
para sa apat na taon sa college upang magkaroon ng anak na maaring
makapagtrabaho. Ang dagdag na dalawang taon ay hindi naman babayaran ng mga
magulang sa halip ay ito ay makatutulong upang ang kanilang mga anak ay
makapagtrabaho.
Marami pa ang dapat ayusin ng gobyerno
upang maipatupad ng maayos ang nasabing bill. Higit na panahon sa paghahanda ng
mga resorses na kinakailangan sa pag-unlad ng ating edukasyon. Marapat na tayo
ay makipagsabayan sa kalakalan ng pag-aaral sa mundo nang sa gayon ang ating
mga propesyunal ay hind maging huli sa larangan ng edukasyon. Oo, napapanahon
na.
No comments:
Post a Comment