Ilang
beses na ba natin narinig ang salitang “Global warming?” Marahil ay marami na
sa atin ang pamilyar na sa salitang ito , ang Global warming ay ang pag-init ng
temperature n gating mundo dulot ng mga “CFC (chlorofluorocarbon) gases” na
na-trap sa ating atmospera,dulot ito ng maraming carbon dioxide na bumabara sa
atmospera na mula sa mga sasakyan at mga pabrika na dapat sana ay nakukuha ng
mga puno ngunit dahil nga sa pinagpuputol na ang mga ito , kakaunti na ang
bumabawas sa maduming hangin na ito.
“Climate change” ang bunga ng Global warming,
ang climate change ay ang biglaang pagbabago ng klima ng isang lugar, Patunay
nito ang pagkatunaw ng mga “Ice glaciers” sa north pole na maaring magdulot ng
malawakang pagbaha kung ito ay magpapatuloy. Isa pang sintomas ng climate
change ay ang pagkakaroon ng mga bagyo sa buwa ng abril na dapat sanang mainit
at tuyo. Ang taong 2010 ay kinonsiderang pinakamainit na taon sa kasaysayan na
maaring palitan ng kasalukuyang taon. Ilang patunay pa ba ang nais nating masaksihan?
Hihintayin paba natin na magkatotoo ang mga pelikulang nagpapakita ng katapusan
ng mundo? Oras na , upang tayo ay magkaisa at magkapit kamay sa pagaksyon laban
sa patuloy na paglala ng Global warming na siyang sisira sa nag-iisang tahanan
nating mga nilalang ang “Mundo’
Napakaraming
paraan upang maiwasan ang patuloy na paglala ng global warming. Isa na rito ang
pagiwas sa paggamit ng mga plastic at styro o iba pang mga material na hindi
nabubulok sapagkat bukod sa nakadadagdag ito ng kalat sa ating katubigan ay
naglalabas rin ito ng carbon. Gumamit ng bisikleta o kaya naman, kung maaari ay
gumamit na lamang ng mga pampublikong sasakyan kapag aalis upang makabawas tayo
sa pagakumula ng carbon sa atmospera. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang
pagtitipid sa pagkonsumo ng mga gamit upang maiwasan ang pagkaubos ng mga
natural na yaman ng ating tahanan.
Marami
tayong magagawa upang makatulong sa pagsagip ng ating tahanan. Huwag nating
isipin na wala ng solusyon sa problemang ito. Oo, nangangailangan ito
nangaingailangan ito ng maraming panahon at pagtitiyaga pero kung lahat tayo ay
magtutulungan , hindi magiging imposible ang pagliligtas sa nagiisa nating
tahanan, ang Mundo.
No comments:
Post a Comment