11/9/11

K-12: Napapanahon na ba?


Pagkatapos ng mahabang proseso sa kongreso, ang Pilipinas ay nagpapatupad na ng K-12 kurikulum. Ang nasabing kurikulum ay naglalayong dagdagan ng dalawa pang taon ang pag-aaral sa basic education. Nais ng Deped na sa pamamagitan ng sistemang ito ay bubuti na ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kilala rin sa tawag na K-6-4-2 ang kurikulum na ang ibig sabihin ay K (isang taon sakindergarten), 6 (anim na taon sa elementarya), 4 (apat na taon sa junior highschool) at 2 (dalawang taon sa senior highschool).Kasalukuyan nang ipinapatupad ang unang bahagi nito sa mga batang mag-aaral, sila ay sapilitang papasok muna sa Kindergarten sa loob ng isang taon bago makatungtong ng Grade 1. Ang ikalawang bahagi nito na pagdaragdag ng dalawang taon ay maipatutupad sa taong sy. 2016-2017. Ang mga papasok na freshmen sa kaparehas na taon ay ang mga magiging unang benepisyaryo ng libreng senior-high school education.

Ayon sa mga pag-aaral na ginawa sa bansa, ang pagkakaroon ng dalawang pang taon ay makadaragdag sa kita ng pamahalaan. Kinakailangan ng nasabing kurikulum ng estimang P150 bilyon para sa pagpapatayo ng 152,599 silid aralan, pagbili ng 95.6 milyong libro at 13.2 milyong upuan at pagdaragdag ng 103,599 mga guro.

Oo, napapanahon na ang K-12 sa ating bansa. Maihahanda pa nang husto ang mga mag-aaral sa dagdag na dalawang taon sa pagpasok sa kolehiyo. Malaki rin ang maitutulong nito sa pagbilis ng pag-unlad n gating ekonomiya. May mga pag-aaral na nagpakita na ang pagkakaroon ng karagdagang taon ay magpapataas ng ating GDP (Growth Domestic Product) 2%.

Ang K-12 ay magbibigay ng dalawang pang taon upang bigyan ang mag-aaral ng mga ideya kung ano ang kanilang maaring kuning kurso , ng sa gayon sila ay maging handa sa kanilang tatahakin. Magiging inpormado sila sa ating ekonomiya na makatutulong sa pagunlad n gating bansa.

Ang Pilipinas na lang ang bansa sa asya na hindi nagapatupad ng nasabing kurikulum. Ito ang dahilan ng hindi patas na pagtingin sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kalimitan silang pinapa-retake ng liscensure exams upang mapatunayang sila ay kwalipikado sa trabaho.

Kung titignan nating mabuti, ang K-12 ay hindi na man talaga karagdagang gastos at imbes ay nakatutulong upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang. Sa kasalukuyan ang mga magulang ay gumagaston para sa apat na taon sa college upang magkaroon ng anak na maaring makapagtrabaho. Ang dagdag na dalawang taon ay hindi naman babayaran ng mga magulang sa halip ay ito ay makatutulong upang ang kanilang mga anak ay makapagtrabaho.

Marami pa ang dapat ayusin ng gobyerno upang maipatupad ng maayos ang nasabing bill. Higit na panahon sa paghahanda ng mga resorses na kinakailangan sa pag-unlad ng ating edukasyon. Marapat na tayo ay makipagsabayan sa kalakalan ng pag-aaral sa mundo nang sa gayon ang ating mga propesyunal ay hind maging huli sa larangan ng edukasyon. Oo, napapanahon na.

Divorce Bill: Aprub ba kay Juan?




Noong nakaraang ika-1 ng Hunyo taong 2011, sa pangunguna ni Gabriela Women’s party-list Rep. Luzviminda Ilagan inihayag sa publiko ang nilalaman ng House bill 1799 o mas kilala sa tawag na Divorce bill. Hindi narin ito bago dahil ilang beses na ring ipinasa ito sa senado ng 13th at 14th congress, at ngayon ng 15th congress ngunit hindi naipatupad. Nilalayon ng nasabing bill na gawing legal ang Divorce sa bansa na siyang magpapadali sa paghihiwalay ng isang mag-asawa.

Sari-saring mga reaksyon ang natamo nito mula sa mga Pilipino,Karamihan ay pumabor at may mga ilan lang na kumontra. Katunayan, ayon sa ginawang surbey ng SWS noong ika-2 ng hunyo, 50 bahagdan ng mga Pilipino ay pumabor, 34% ay hindi, at 16% ay wala paring desisyon ukol sa nasabing issue.

 Malaki ang impluwensiya ng simbahan upang mangilan-ngilan sa mga Pilipino ay hindi umayon sa nasabing bill. Ayon sa simbahan, kung ang bill ay maipatutupad mawawala na ang tunay na kahulugan ng kasal sa mga Pilipino. Ang pag-aasawa raw ay dapat pinag-iisipang maigi sapagkat sa oras na ikaw ay ikasal na hindi na maaring magbago pa ang isip mo.

“Ang bill na ito ay hindi naglalayon na wasakin ang tunay na kahulugan ng pamilya, imbes nais pa nitong palakasin ang pagsasama ng isang mag-asawa.” Ang sagot ni Ilagan sa simbahan.

Sa aking palagay ay nararapat nan gang ipasa ang bill sapagkat ito ang magiging sagot upang mapadali ang pakikipaghiwalay ng mga minaltratong kakababaihan sa kanilang asawa. Mas magiging maganda ang buhay ng bata kung ito ay mapapalaki sa isang maayos na pamilya na maari naming buuin ng isang magulang.

Maari pang malagay sa peligro ang bata kung ito ay mananatili sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay hindi nagkakasundo.

Kung ating ikukumpara sa annulment, higit na mas maliit ang halagang kakailanganin sa pakikipaghiwalay kung divorce ang gagawin. Magiging abot kamay na rin sa mga mahihirap ang pakikipaghiwalay, hindi tulad sa annulment na tanging mayayaman lang ang nakakagawa.

Ang bill ay para sa mga pamilyang Pilipino, wala itong nais na padamihin ang kaso ng paghihiwalay na sumisira ng isang pamilya. Nais lang nito na pagandahin ang kinabukasan ng mga batang nasa isang magulong pamilya. Nawa’y magbukas ang isipan ng mga taong tumutuligsa dito sapagkat ito ay para sa kabutihan ng bawat batang Pilipino.
                                                                                                                                                                 

11/3/11

BOB ONG "A life changing author"


"A life changing author" these are the best words to describe Bob Ong. We are still in search of the real identity of this person but several reports said that he is a teacher from a famous university here in Manila. Anyways, I'm an avid fan of his books and I can say that his collection of books are really interesting. Here are some:



1.A B N K K B S N P L 

Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?

Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?

Ano ang lihim sa likod ng pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?

Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?

Masarap ba ang Africhado?

Sino si Tigang?

Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?

Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?

                                    Saan ang Ganges River sa Pilipinas?






2. Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong

Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan ang Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga taong umaakyat ng overpass pero hindi naman tumatawid. Pero alam mo na rin ba kung bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Kung ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima? Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? At kung bakit nagbabasa pa rin ang mga Pilipino kahit sabihan pang "Bawal Basahin ang Nakasulat Dito"?


3. Ang Paboritong Libro Ni Hudas
 Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro. 
Ano? 

 Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka. 
HA?!?! 
 Surprise! 

Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba? 
Depende. 
Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari? 

                                    Hindi ah! 
                                    Shoplifter ka? 
                                    Lalong hindi! 

                                    Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili?                                          
                                    Hindi rin! 
                                    Nagpa-xerox ka? 

                                    Ba’t mo alam?




 4.Alamat ng Gubat

Welcome to the Jungle! 


Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisdong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat! 
Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat. 
Ang Librong Pambata Para sa Matatanda! 








5.Stainless Longganisa

Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro Ni Hudas, at Alamat Ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali-- ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at at tamang praan nG pagsusulat,




 Aside from his books, he is also famous because of his quotations. Just wait my readers for my next blog about his famous "kowts."

Nagiisa nating tahanan

Minsan, sa aking paglalakad sa kamaynilaan masangsang na amoy sa akin ay sumambulat. Sa paglibot ng aking mga mata sa kapaligiran makakapal na usok ang bumabalot sa kalangitan. Ako’y nagmagtyag kung saan nagngagaling ang maduduming usok at aking nakita ang mga sasakyang humaharurot at nagbubuga ng itim na usok na siya rin naming inilalabas ng mga pabrikang nagkalat sa kamaynilaan. Hindi na rin ako nabigla sa aking mga nasaksihan sapagkat simula ng ako’y isilang ay ganoon na rin ang kalagayan ng ating kapaligiran. Malayong-malayo sa mga ikinukwento ng aking mga magulang. Ang sabi pa nga ng aking itay na noong daw kabataan niya ay marami pang puno ang bumabalot sa kamaynilaan. Dahil nga raw rito , sa tuwing hihinga sila ay pagkasariwa ng hanging kanilang nalalasap. Tumingin ulit ako sa paligid , pinagmasdan kung may mga natirang puno pa rito, mayroon pa naman ngunit bibihira. Tinanong ko ang aking sarili, ano ba ang nangyari at tila nagbago ang ating tahanan.

Ilang beses na ba natin narinig ang salitang “Global warming?” Marahil ay marami na sa atin ang pamilyar na sa salitang ito , ang Global warming ay ang pag-init ng temperature n gating mundo dulot ng mga “CFC (chlorofluorocarbon) gases” na na-trap sa ating atmospera,dulot ito ng maraming carbon dioxide na bumabara sa atmospera na mula sa mga sasakyan at mga pabrika na dapat sana ay nakukuha ng mga puno ngunit dahil nga sa pinagpuputol na ang mga ito , kakaunti na ang bumabawas sa maduming hangin na ito.  

“Climate change” ang bunga ng Global warming, ang climate change ay ang biglaang pagbabago ng klima ng isang lugar, Patunay nito ang pagkatunaw ng mga “Ice glaciers” sa north pole na maaring magdulot ng malawakang pagbaha kung ito ay magpapatuloy. Isa pang sintomas ng climate change ay ang pagkakaroon ng mga bagyo sa buwa ng abril na dapat sanang mainit at tuyo. Ang taong 2010 ay kinonsiderang pinakamainit na taon sa kasaysayan na maaring palitan ng kasalukuyang taon. Ilang patunay pa ba ang nais nating masaksihan? Hihintayin paba natin na magkatotoo ang mga pelikulang nagpapakita ng katapusan ng mundo? Oras na , upang tayo ay magkaisa at magkapit kamay sa pagaksyon laban sa patuloy na paglala ng Global warming na siyang sisira sa nag-iisang tahanan nating mga nilalang ang “Mundo’


Napakaraming paraan upang maiwasan ang patuloy na paglala ng global warming. Isa na rito ang pagiwas sa paggamit ng mga plastic at styro o iba pang mga material na hindi nabubulok sapagkat bukod sa nakadadagdag ito ng kalat sa ating katubigan ay naglalabas rin ito ng carbon. Gumamit ng bisikleta o kaya naman, kung maaari ay gumamit na lamang ng mga pampublikong sasakyan kapag aalis upang makabawas tayo sa pagakumula ng carbon sa atmospera. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagtitipid sa pagkonsumo ng mga gamit upang maiwasan ang pagkaubos ng mga natural na yaman ng ating tahanan.

Marami tayong magagawa upang makatulong sa pagsagip ng ating tahanan. Huwag nating isipin na wala ng solusyon sa problemang ito. Oo, nangangailangan ito nangaingailangan ito ng maraming panahon at pagtitiyaga pero kung lahat tayo ay magtutulungan , hindi magiging imposible ang pagliligtas sa nagiisa nating tahanan, ang Mundo.

10/21/11

Pro ka o Anti?

“Itaas ang paggalang sa buhay” ang sigaw ng mga sektor na sumasalungat sa kasalukuyang ipinapasang batas sa kongreso, ang house bill 4244 o mas kilala sa tawag na Reproductive health bill. Sa pangunguna ni Albay representative Edcel Lagman inilatha ang RH bill na nakasentro sa pagbibigay kaalaman sa mga Pilipino ukol sa tamang pagplaplano ng pamilya. Ilang bersiyon na nito ang naipasa sa kongreso ngunit iisang layunin lang ipinapahayag ang pababain ang bilang ng populasyon ng bansa.

Umiinit ang pagtatalo sa pagitan ng pamahalaan at ng simbahan uko sa nasabing isyu. Pilit na ginigiit ni lagman na pagpapahalaga sa buhay ang isusulong ng bill ngunit ang panig ng simbahan ay nagsasabing purong kalaswaan ang nilalaman nito.
Maraming Pilipino ang walang alam ukol ditto at higit na mangmang sa posibleng epekto nito sa ating moralidad bilang isang Pilipino. Marapat na tayo ay makialam! Pro ka ba o Anti?
Isang malaking hindi ang sagot ko rito sapagkat marami pang kinakaharap ng problema an gating bansa na mas nangangailang aksyunan at hindi RH bill o pagkontrol sa populasyon ang makakasagot rito.

Kung ang bill ay maipapatupad para nang hinayaan natin na turuan ng pamahalaan ang mga kabataan tungkol sa paggamit ng condoms, pills at mga paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Dahil rito parang binuksan na natin ang kanilang mga kaisipan na ang pakikipagtalik ay isang bagay na dapat subukan. Magbibigay rin ito sa kanila ng dahilan upang hindi na galangin ang pakikipagtalik sa tamang babae o lalaki. Ang karapatan ng magulang na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa pakikipagtalik ay maapektuhan dahil sa mga isasagawang programa ng pamahalaan. Hindi mo na maasahan na ang anak mong 15 taong gulang ay birhen pa.

Ang pakikipagtalik ay banal at dapat respetuhin ngunit dahil sa bill na ito nanaisin ng mga Pilipino ang pakikipagtalik dahil sa paniniwalang 100% safe ang condoms. Tataas rin ang bilang ng kaso ng HIV AIDS dahil sa walang kasiguraduhan ng paggamit ng contraseptives gaya ng nangyari sa Thailand at mga western countries na nagpatupad ng parehas na bill. Ang krimen gaya ng rape ay tataas maging ang prostitusyon.

Ako’y naniniwala na ang mga Pilipino ay matatalino at likas na konsebatibo ngunit kung ang RH bill ay maipapatupad, mawawala ang ating kultura.Kulturang nagpapahalaga sa buhay,pamilya at relihiyon. Hindi nangangarap ang mga Pilipino na maging tulad ng America na kung saan ang mga tao ay liberal at ang pagpapalaglag ng anak ay legal. Kung ang bill ay maipatutupad ito ang magtutulak sa Pilipinas na maging isang imoral na bansa.

RIZAL: Inspirasyon

Ang sigasig ni Dr. Jose Rizal ay dapat magsilbing inspirasyon sa mga kabataan ngayon.
“Dakila!” iyan ang bansag sa ating pambansang bayani na si Dr. Gat Jose Rizal. Sa modernong panahon ngayon , ano na nga ba ang papel niya sa buhay nating mga Pilipino?

Tulad ng ibang mga bayani, Ang pagmamahal niya sa ating bayan ang nag-udyok sa kanya na ipaglaban ang ating kalayaan mula sa mga Espanyol. Paggamit ng sandata, dahas at pagpatay ang mga karaniwang batayan ng pagiging isang bayani, ngunit ang lahat ng ito ay binago niya. Panulat at papel ang kanyang naging sandata sa pagtatanggol ng ating bansa. Minulat niya ang ating mga natutulog na isipan ukol sa kawalang-katarungan at pang-aabuso ng mga mananakop. Ito ang naging dahilan upang lumiyab ang ating mga damdamin upang maipaglaban natin ang ating pinakamamahal na bansa.

“Kabataan ang Pag-asa ng bayan!” ang mga mabibigat na salita na binigkas ni Rizal. Ang mga kabataan raw ang kinabukasan ng ating bansa. “Early pregnancy, hazing, Minor drug-users” Iyan ba ang matatawag na Pag-asa? Ayon sa mga eksperto, parami na ng parami ang mga kabataang nalululong sa droga at maagang nagbubuntis. Modernisasyon ang natatanging dahilan ng mga pangyayaring ito. Kapwa ko mga kabataan tayo’y nakalilimot! Lubos akong nalulumbay sa aking mga nakikita. Panahon na upang patunayan natin na tayo nga ang kinabukasan ng ating bansa.
Ano nga ba ang solusyon para maiahon ang ating bansang paurong?

Pagsisikap ang kasagutan sa suliranin ng ating bansa. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng mga dakilang bayani na mamuhay nang malaya. Paunlarin natin ang ating mga sarili at gawing inspirasyon ang buhay na inialay ni Rizal para sa ating bansa. Huwag nating kalimutan ang kanyang mga ginawa at magsilbi sana siyang inspirasyon sa ating pagtahak sa buhay. Sa panahon ngayon ng krisis, gamitin natin ang kanyang buhay na ilaw at lakas sa pagtahak natin patungo sa matiwasay at maunlad na pagbabago.

Dr. Gat Jose Rizal. Isang Pilipino, isang bayani at isang inspirasyon sa pagtahak natin sa ating buhay.

The Pursuit of the Excellence

“All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them.” These words came from the mouth of a legendary writer/cartoonist known as Walt Disney. According to him passion and dedication in what you do leads you to excellence. He started from being a factory worker while studying. After that, he entered opening a business but he failed. Walt never stop aiming to reach his dreams. He has a determination to continue what he has started. Eventually, after a couple of failures he has reached his excellence.
Excellence is a prize won by determination to reach your dreams, It should be practice as an attitude and not a skill.



Excellence is the result of dedicating ourselves to improve. One must invest his time, efforts and the whole of his self to reach excellence. We are born starting from nothing but as time goes by we improve.  According to a famous author Zig Ziglar “You don’t have to be great to start, but you have to start to be great.” By cultivating those talents that you are born with; it opens your door to self-mastery and excellence.
Champions do not become champions if they win an event but it is in the hours, days, weeks and months preparing for it. The victorious performance is only a demonstration of their excellence. Walt has invest a lot of his years to become what he is now. He didn’t get it in just a couple of hours. The dedication of the whole of ourselves is necessary to become successful.


Have you ever wondered if Walt give up from those obstacles? He might not became the Walt that it is known today. Brian Tracy, a successful author/chairman claimed “Never consider the possibility of failure; as long as you persist, you will be successful.” As long as we have a courage to fulfill our dreams, nothing is impossible for us to succeed.
Do not view failure as an end but a beginning. Learn from it and move on. Falling is always a part of the feedback of a life. An American author F. Scott Fitzgerald once said that “Never treat a single defeat with a final defeat.” Great people became great because they learnt to overcome it and not commit the same mistake again. Always fail forward.
Reaching excellence is not like breathing in outer space; impossible. We can reach it by having a courage to pursue our dreams. Do not be succumb by those failures just stand and face it with all your guts. By doing this reaching Excellence is just a one-ruler far from you.